What's on TV

'First Yaya' highlights: Ang simula ng fairy-tale ni Yaya Melody

By Cherry Sun
Published March 22, 2021 5:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Albay bettor wins P25M prize to Superlotto 6/49 - PCSO
Farm to Table: (May 24, 2026) LIVE
Philippine Half Marathon Series 2026 boosts local sports tourism across six cities

Article Inside Page


Showbiz News

Yaya Melody and VP Glenn Acosta


Nagsimula na ang fairy-tale-like story na pinagbibidahan nina Sanya Lopez bilang Yaya Melody at Gabby Concepcion bilang Vice President Glenn Acosta! Panoorin ang full episodes mula sa pilot week ng 'First Yaya' rito.

Nitong Lunes, March 15, napanood na ang modern-day fairy-tale-like story ni Melody (Sanya Lopez) at Vice President (VP) Glenn Acosta (Gabby Concepcion) sa pagsisimula ng First Yaya.

Yaya Melody and VP Glenn Acosta

Ipinakilala na si Melody, ang breadwinner ng kanyang pamilya na sinakripisyo ang lahat para sa kapakanan ng kanyang mga mahal sa buhay. Ipinakita rin ang unti-unting pag-angat ni Glenn mula sa pagiging isang mayor hanggang sa pagiging bise presidente ng bansa. Nagkrus man ang kanilang landas, dahil ito sa isang nakapanlulumong pangyayari:

Nitong Martes, March 16, pinili ni Melody na manatili sa Pilipinas at dito na lamang magtrabaho. Ngunit sa hirap ng buhay, tila mahirap din itong tanggapin ng kanyang pamilya:

Nitong Miyerkules, March 17, patuloy ang paghahanap ng trabaho ni Melody habang pinapahanap naman siya ni VP Glenn dahil sa request ng kanyang anak:

Nitong Huwebes, March 18, sa halip na mamasukan ulit abroad, tinanggap ni Melody ang alok ni VP Glenn na maging yaya sa mga anak nito:

At nitong Biyernes, March 19, nagsimula na si Yaya Melody sa kanyang trabaho sa mansyon ni VP Glenn:

Sabay-sabay tayong kiligin, tumawa at mangarap sa First Yaya tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 P.M.

Basahin dito kung bakit hindi niyo ito puwedeng ma-miss at kilalanin ang characters ng First Yaya sa gallery sa ibaba:

Para sa mga Kapuso abroad, maaari ring bisitahin ang http://www.gmapinoytv.com/subscribe para sa kumpletong detalye kung paano puwedeng mapanood ang First Yaya overseas.