
Hindi lamang sa GMA-7 kundi pati sa GTV at HOA channels ng Kapuso network puwedeng mapanood ang inaabangang world premiere ng First Yaya!
Ang First Yaya ang kauna-unahang TV series na inihahandog ng GMA Network ngayong 2021.
Ito ay isang Kapuso rom-com series na pagbibidahan nina Sanya Lopez bilang Yaya Melody at Gabby Concepcion bilang President Glen Acosta.
Ang inaabangan na bagong dream love team ng primetime mapapanood na simula bukas, Lunes, March 15. Hindi mapag-iiwanan ang mga Kapuso Abroad dahil hindi lamang sa GMA 7 mapapanood ang First Yaya kundi pati na rin sa GTV at HOA.
Panoorin ang video sa itaas para sa kabuuang detalye.
Bilang selebrasyon ng world premiere ng First Yaya, pinaunlakan din nina Sanya at Gabby ang mga Kapuso mula sa USA, Canada, Asia Pacific, Middle East at Europe sa isang virtual group chat, ang kauna-unahang #PinoyAbroadFunConnect.
Abangan din ang "First Yaya" overseas sa GMA Pinoy TV! Bisitahin ang www.gmapinoytv.com/subscribe para sa detalye kung paano mag-subscribe!
Alamin kung bakit hindi dapat magpahuli sa panonood ng First Yaya rito, at silipin din ang iba pang characters ng bagong Kapuso rom-com series sa gallery sa ibaba: