What's on TV

'First Yaya' pilot episode, record-breaking ang ratings!

By Cherry Sun
Published March 18, 2021 12:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez and Gabby Concepcion


Nag-trend na, record-breaking pa! Thank you mga Kapuso sa pagsuporta sa 'First Yaya!'

Record-breaking ang ratings na natanggap ng First Yaya, nang mag-world premiere ito nitong Lunes, March 15.

Sanya Lopez and Gabby Concepcion

Ang First Yaya ang kauna-unahang bagong TV series na handog ng GMA Network ngayong 2021. Ito ay pinagbibidahan ng dream love team nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Nang unang umere ang Kapuso rom-com series sa GMA, GTV, Heart of Asia, at GMA Pinoy TV, nag-trend ito sa third spot at umani ng papuri mula sa mga manonood.

Maliban dito, record-breaking din ang pilot episode dahil nakatanggap ito ng 23% ratings ayon sa Nielsen Phils TAM NUTAM People Ratings.

Maraming salamat sa mainit n'yong pagtanggap kina Yaya Melody at President Acosta, mga Melo-dears! Grabe naman talaga 💜 Sabay-sabay ulit nating subaybayan ang #FirstYayaPinagtagpo mamayang gabi!

Posted by GMA Drama on Tuesday, March 16, 2021

Ibinahagi rin ni Gabby ang kanyang galak sa success ng kanilang programa.

Isang post na ibinahagi ni Gabby Concepcion (@concepciongabby)

Na-miss n'yo ba ang unang episode ng First Yaya? Panoorin ang full episode sa video sa itaas. Para sa mga Kapuso abroad, maaari ring bisitahin ang http://www.gmapinoytv.com/ para sa kumpletong detalye kung paano ito mapapanood overseas.

Basahin dito kung bakit dapat kayo laging tumutok sa First Yaya tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 P.M.

Kilalanin din ang characters ng First Yaya sa gallery sa ibaba: