
Pinatunayan ng mga bida ng First Yaya na sina Sanya Lopez, Kakai Bautista, Maxine Medina, Cassy Legaspi, at Thia Thomalla na higit pa sa kanilang programa ang nabuo nilang pagkakaibigan.
Sa ika-25 na kaarawan ni Sanya kahapon, August 9, hindi nalimutan nina Kakai, Maxine, Cassy, at Thia na batiin siya.
Sulat ni Kakai, "Saktong lambing lang. Ikaw 'yun. Masarap kang maglambing. Pang high school."
"Parang batang naghahanap ng masusumbungan. Cute ka din e."
Timeout naman muna sina Sanya at Maxine bilang sina Melody at Lorraine.
Pagbati ni Maxine, "Happy birthday to the sweetest, candid, humble, and beautiful soul inside and out. Love you so much shaira @sanyalopez."
Sinigurado naman ni Cassy si Sanya na susuportahan niya ito sa lahat ng gusto niyang gawin.
Mensahe ni Cassy, "Happy birthday Melodear! I love you so much with all my heart. Always here to support you no matter what."
Happy birhtday, Sanya!
Samantala, balikan dito ang masasayang bonding ng mga bida ng First Yaya nang mag-shoot sila sa La Union: