
Muling nagsama-sama ang mga bida ng top-rating primetime series ng GMA na First Yaya upang panoorin ang final episode ng kanilang teleserye kahapon, July 2.
Kagabi kasi ay ikinasal na sina President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) at Melody (Sanya Lopez).
Tingnan ang mga larawan nila dito:
Sa Twitter, ibinahagi ni Sanya ang kanilang online reunion kasama ang direktor nila na si LA Madridejos, executive producer Mary Joy Lumboy-Pili, at senior program manager Ali Dedicatoria.
Watching the last episode #FirstYayaFirstLady pic.twitter.com/yD1HzT1SSj
-- Sanya Lopez (@sanya_lopez) July 2, 2021
Sa pagtatapos ng kanilang teleserye, madamdamin namang nagpaalam sina Sanya at iba pang cast ng First Yaya.
"Naiiyak ako huhu #FirstYayaFirstLady" tweet ni Sanya.
Naiiyak ako huhu #FirstYayaFirstLady
-- Sanya Lopez (@sanya_lopez) July 2, 2021
Nagpasalamat naman si Pancho Magno sa kanyang karakter na si Conrad, ang pinuno ng PSG ni President Glenn Acosta.
Sulat ni Pancho sa Instagram, "Thank you Sir Conrad! Salute! See you soon! Checkmate!"
Tingnan ang iba pang mensahe ng pamamaalam ng mga bida ng First Yaya dito: