WATCH: Jak Roberto, bakit hindi rumampa sa Mega Man Best Bodies 2018?
Abs overload ang Mega Man Best Bodies 2018 pero absent si Pambansang Abs Jak Roberto.
Isa si Jak sa tinataguriang most eligible bachelor at 2018’s finest male actors ngayong 2018 ngunit hindi siya nakarating sa event dahil may taping siya para sa hit GMA Afternoon Prime soap na Contessa.
Samantala, lalong pinainit ng ating Kapuso hunks na sina Derrick Monasterio, Kiko Estrada at David Licauco ang panahon nang rumampa sila bilang Best Bodies ng hottest fashion magazine sa bansa.
Ipinakita ni Derrick ang kanyang malalaking biceps, “’Yung pinaghirapan mo [ay] nagbunga. There are a lot of beautiful bodies sa Philippine showbiz pero para mapabilang ka dito, talagang nakakatuwa.”
Hindi nagpakita ng balat at nag-ala boy next door si Kiko, “I’m flattered because I don’t think of myself as sexy.”
Nag-topless naman si David na talagang ipinakita ang kanyang matipunong katawan. Ibinahagi niya sa Balitanghali ang kanyang paghahanda, “Ang mga workout ko talaga, more on like pang-athlete, hindi siya ‘yung pangpaganda ng katawan. Gusto ko kasi malakas, healthy, and fit pa rin.”
Video courtesy of GMA News