GMA Logo Gladys Reyes
What's Hot

Gladys Reyes, may easy fitness tips para sa mommies

By Dianara Alegre
Published May 18, 2020 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo, on Christmas Eve, says denying help to poor is rejecting God
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Gladys Reyes


Gladys Reyes sa kanyang kapwa mommies: "Importante rin sa mga nanay 'yung self-love, self-care."

Patok na patok online ang mga ipino-post na dance exercises ni Kapuso actress Gladys Reyes na isa sa kanyang mga pinagkakaabalahan sa gitna ng enhanced community quarantine.

Sa eksklusibong panayam ng Unang Hirit, ikinuwento ng batikang aktres at isa sa fitspirations ngayon kung ano ang nag-udyok sa kanya na magbahagi ng dance exercises online.

“Sa totoo lang, nu'ng una kong ipinost 'yung dance exercise ko, 'yung una ayaw ko talaga. Sabi ng kapatid ko, 'P'wede ko bang i-post 'to?'

“Nahihiya ako e, pero ginanahan ako nu'ng 'yung mga comments, may nagdi-DM pa sa 'kin na mga mommies,” aniya.

Gladys Reyes dances to '80s hits while on quarantine

Natuwa rin umano siya nang maging inspirasyon ng mga ina na nakipag-uganyan sa kanya para alagaan ang kanilang mga sarili.

“Parang na-inspire sila na puwede pala na ganito lang na exercise. Hindi masyadong mahirap 'yung steps. Parang hindi kailangan na super galing kang dancer para makapagpapawis. Sabi nga whatever works for you,” dagdag pa niya.

Nagbigay din siya ng payo sa mga kapwa niya mommy na nais maging fit and healthy gaya niya.

“It's never too late [kung] ngayon pa lang sila mag-start.

“Kaysa ma-stress ka sa quarantine, aside from 'yun nga, 'yung mga anak mo aalagaan mo, dapat importante rin sa mga nanay na katulad natin 'yung self-love, self-care,” sabi pa ng aktres.

Stay physically and mentally healthy despite all the challenges happening around us. #physicallyandmentallystrong #selfcareisnotselfish #GodIsAlwaysInControl #proudmommyof4kids Black&white DOOTD fr. @pinksalmonclothing @gibishoes @clinique_esthetique

Isang post na ibinahagi ni Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes) noong

Panoorin ang simple at easy dance exercises si Gladys sa Unang Hirit: