What's Hot

Sheryl Cruz does hula hoop exercise to treat scoliosis

By Dianara Alegre
Published July 14, 2020 2:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

sheryl cruz exercise


Ibinahagi ni Sheryl Cruz na para sa posture at figure ang ginagawa niyang hula hoop exercise.

Hinangaan si Sheryl Cruz dahil sa kanyang husay sa pag-hula hoop, na madalas ay ibinabahagi niya sa kanyang social media accounts.

Ayon sa Magkaagaw actress, hindi lang para sa kanyang pagpapapayat ang daily hula hoop workout niya dahil bahagi rin ito ng treatment niya para sa kanyang scoliolisis.

A post shared by Sheryl Sonora Cruz (@officialsherylcruz) on


“Mayroon kasi akong scoliosis. In order for me to battle that, first I go to the doctor regularly but I have to also help myself in working out.

"'Yung posture ko kasi natulungan ng hula hoop because you stand up right,” aniya.

Bukod dito, nakatulong din ang naturang exercise para ma-maintain ang kanyang figure.

Aniya, ang kasalukuyang body measurement niya ay 36-26-36.

Dahil sa husay niya sa paghu-hula hoop, umabot na sa libu-libong views ang kanyang videos.

Samantala, itinama ni Sheryl ang ilang maling akala tungkol sa paghu-hula hoop para sa mga nais ding mag-improve ang kanilang posture.

Aniya, “'Yung basic na galaw ng hula hoop, e, backward and forward motion.

"'Tapos, akala ni na magalaw du'n sa hips, sa may waist, pero hindi. It's a backward and forward motion,” dagdag pa ng aktres.

EXCLUSIVE: Sheryl Cruz, na-sold out daw ang hula hoops sa isang mall dahil sa kaniyang workout videos

Sheryl Cruz proves she's the queen of hula hoop in latest dance covers

A post shared by Sheryl Sonora Cruz (@officialsherylcruz) on


Samantala, kabilang din ang aktor na si Alfred Vargas sa mga celebrity na ginamit ang pandemic para pagtuunan ang kalusugan.

Ibinahagi niya kamakailan ang kanyang fitness journey, na sinimulan niya noon pang January.

Aniya, 44 lbs na ang nabawas sa timbang niya mula nang simulan ang pagpapapayat.

“Hindi ako papayag na matapos ang pandemic na 'to na I'm not a better version of myself.

"Na-realize ko, ang tagal ko na palang overweight. More than 10 years na akong overweight,” aniya.

Nakaranas din umano siya ng depresyon bunsod ng kanyang timbang.

“At one point, a few years back, siguro umabot ako ng 246 lbs. Ito 'yung panahon na ayaw kong may nagpapa-picture, ayaw kong pinipiktyuran sarili ko.

"Nagtatago talaga ako. Mayroong time na ang dami ko ring offers pero ang feeling ko ang bigat-bigat ko. Ayaw kong tumanggap tapos nakakahiya,” aniya.

Dagdag pa ng aktor, intermittent fasting, diet at workout ang susi sa kanyang pagpayat.

“Ang rule ko rito sa diet ko is low sugar, low carbohydrates. Ang iniinom ko na liquid ay tubig lang. 'Tapos, ang kinakain ko lang either meat or fish, may kasamang vegetables,” aniya.

Striving to become a better version of myself during this pandemic. Strict intermittent fasting and regular workouts made me lose almost 20kgs already from the start of the year. And I'm feeling good and energetic! Though I still need to lose more, knowing that I'm on my way to my goal motivates me even more. Inspiration gets you started but discipline gets you going. #ActionVision #FitnessFriday #NoPainNoGain #HealthIsWealth #LongRoadToFitness

A post shared by Alfred Vargas (@alfredvargasofficial) on