GMA Logo Faith Da Silva
Photo by: OfficialFaithdaSilva FB
What's on TV

Flamarra, may tribute post para kay Ada Pirena

By Kristine Kang
Published October 23, 2025 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

9 OFWs repatriated from Iran amid Middle East conflict
NCCA lays out activities for Filipino Food Month 2026 this April
Officials to study need to raise fare of Guimaras boat ride

Article Inside Page


Showbiz News

Faith Da Silva


Abangan kung ano ang susunod na gagawin ni Flamarra (Faith Da Silva) sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Nagliliyab sa dalamhati at poot ang puso ngayon ni Sang'gre Flamarra, na ginagampanan ni Faith Da Silva.

Sa GMA superserye Encantadia Chronicles: Sang'gre, labis na nadurog ang puso ng bagong Sang'gre sa malaking sakripisyong ginawa ng kanyang ada na si Pirena (Glaiza De Castro).

Naantig ang mga manonood sa eksenang puno ng pagdadalamhati at sa pagtangging tanggapin ang itinakdang kapalaran ng ina.

Patuloy na umapaw ang emosyon nang si Faith mismo ay nagbahagi ng tribute post para kay Hara Pirena.

Sa post, ibinahagi niya ang mga larawan ni Flamarra na labis ang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang ina.

"Hanggang sa muli nating pagkikita, aking minamahal na ada! Avisala meiste," aniya.


Sa susunod na episode, susugurin ni Flamarra ang mga Mine-a-ve upang makaganti kay Olgana (Bianca Manalo).

Sa gitna ng kanyang pagsalakay, haharapin niya si Kera Mitena (Rhian Ramos) at mapipilitang magpasya kung isusuko ba niya ang Brilyante ng Apoy kapalit ng paghihiganti.

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, balikan ang mga reaksyon ng fans sa digmaan ng mga Sang'gre sa Adamya rito: