
Halos siyam na buwan ding natunghayan ng bayan ang kalbaryo ng magkapatid na sina Crisan at Crisel sa hit telerseryeng Kambal, Karibal.
Maraming nainis sa kasamaan ni Crisel at marami ring humanga sa ipinakitang katapangan at kabaitan ni Crisan sa kanyang kapatid sa kabila nang kanilang pag-aaway.
Ngayong huling gabi ng serye, ating balikan ang best tarayan scenes mula sa dramang umantig sa ating puso at kaluluwa.
Unang pagtatagpo pa lang nina Crisan at Cheska, hindi na maganda ang kanilang naging samahan.
Nalaman na ni Crisan na ang kanyang kapatid ay sumanib na sa katawan ng kanyang kaaway.
Ipipilit ni Crisel ang kanyang sarili sa katawan ni Crisan para ang kapatid naman niya ang maging ligaw na kaluluwa.
Dahil nabuking na ang tunay na katauhan ni Crisel, sisiguraduhin niya na wala nang makakagamit ng katawan ni Crisan dahil pagod na siyang makaramdam ng inggit dito.
Dahil sa matinding inggit sa kapatid, wala nang sinasanto si Crisel. Handa na siyang kitilin ang buhay ng kanyang kakambal makuha lang ulit ang buhay na pinapangarap niya.
Buo na ang desisyon ni Crisel na patayin si Crisan dahil alam niyang hangga't nabubuhay ito ay hindi siya magiging masaya.
Sa gitna ng pag-aaway ng kambal ay masisiwalat na ang pinakatatagong sikreto ni Crisel matapos sumanib si Cheska sa katawan ni Librada upang balaan ang kanyang ina.
Hindi na makakapagtimpi si Crisan na patulan si Cheska matapos niyang maabutan ang huli at si Diego na naghahalikan sa restaurant.
Hinding-hindi na papayag si Crisan na maliitin siya ni Cheska. Simula ngayon lalaban na siya kahit saan at kahit anong oras.
Sa kabila ng nagbabadyang peligro sa kanilang mga buhay, hanggang sa himpapawid ay walang humpay ang bangayan sa pagitan nina Crisan at Crisel.