Sa nakalipas na episode ng 'Tonight with Arnold Clavio,' nakapanayam ni Igan ang '80s hit-maker na si Gino Padilla.
By FELIX ILAYA
Sa nakalipas na episode ng Tonight with Arnold Clavio, nakapanayam ni Igan ang mga '80s hit-makers na sina Rachel Alejandro, Gino Padilla, at Lloyd Umali upang mag-reminisce about the great '80s!
Isa sa mga interesting topics na kanilang na-discuss ay ang litratong ito ni Gino Padilla.
Sa litrato makikita si Gino kasama sa pakikipag-jamming ang Queen of Rock and Roll na si Tina Turner! Kinuwento niya na nagkaroon siya ng isang commercial para sa isang soft drink noong taong 1986 sa edad na 22. Nagsunod-sunod daw ang mga projects na dumating sa kaniya matapos ang commercial na ito.