
Arestado ang fliptop rapper na si J-Skeelz, na may tunay na pangalan na Jason Yap Rodriguez, sa isang buy-bust operation sa Candelaria, Queon.
Ayon sa report ng GMA News, pasado alas-tres ng madaling araw noong Sabado, November 7, nang maaresto ang rapper ng mga operatiba ng Candelaria Municipal Police Station (MPS).
Nakakuha sa suspek ang mga plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. Dinala ang mga ebidensya sa Quezon Provincial Crime Laboratory upang masuri.
Nakasaad sa report na nakapiit ngayon ang 37-anyos na tubong Caloocan city sa custodial facility ng Candelaria MPS.