
Indie films ang hatid ngayong linggo ng digital channel na I Heart Movies.
Ang surfing movie na Flotsam nina Solenn Heussaff at Rocco Nacino ay iikot ang istorya sa iba't ibang turista sa surf town ng San Juan, La Union.
Isa na rito si Kai, karakter ni Solenn, isang architect na nagbakasyon muna para magpalamig ng ulo matapos ang kanyang engagement. Makikilala niya sa La Union ang bartender na si Tisoy, role naman ni Rocco.
Magiging permanente ba o lilipas din ang pag-ibig at pagkakaibigan na mabubuo sa tourist hotspot na ito?
Abangan 'yan sa Flotsam, June 23, 10:20 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Makikita naman ang isang espesyal na bahagi ng kulturang Pilipino sa Balut Country na pagbibidahan din ni Rocco Nacino.
Gaganap siya rito bilang Jun, isang lalaking magmamana ng patuhan ng kaniyang ama.
Gustong ibenta ni Jun ang farm dahil malapit na itong malugi pero nagdadalawang isip din siya dahil ayaw niyang mawalan ng hanap-buhay ang mga trabahador ng kaniyang ama na matagal nang nagsisilbi rito.
Ano ang magiging desisyon ni Jun?
Abangan 'yan sa Balut Country, June 20, 10:20 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.