Celebrity Life

Follow That Star: Mommy Dionisia, ang puwersa sa likod ni Manny Pacquiao

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 17, 2020 3:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rollback in pump prices seen Christmas week
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



“There is no Manny P, if there is no Mommy D!” Ito ang tinuran ng ina ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Ang mga luha ni Mommy D noon habang itinataguyod ang siyam na anak ay napalitan na ngayon ng laksa-laksang biyaya. May pelikula, TV commercial, concert, sariling bahay at magarbong buhay na siya. Sa Sabado sa "Follow That Star," ibabahagi nya ang kanyang bagong pinagkakaabalahan at sikreto ng kagandahan.




Sa pagkapanalo ng Pambansang Kamao ng Pilipinas na si Manny Pacquiao, marami ang nagdiwang.

Nanguna na rito ang kanyang number one fan mula pa sa pagkabata niya --  walang iba kundi si Mommy Dionisia.  Ayon nga sa kanya, “There is no Manny P, if there is no Mommy D!”

Bata pa lang si Manny nang iniwan ng kaniyang ama.  Tanging ang ina niyang si Cristina Mejia Dapigram o si Mommy Dionisia ang nagtaguyod sa kaniya at sa walo pa niyang kapatid.

“Halos araw-araw ako(ng) lumuluha sa kahirapan. May mga araw na halos tatlong beses kaming hindi nakakakain, minsan niyog lang,” kwento ni Mommy Dionisia, habang inaalaala ang kahirap ang buhay nila noon.

Pero dahil sa pagbo-boksing ni Manny, ibang-iba na ang buhay nila ngayon.

Kasabay ng pagsikat ni Manny, nagkaroon din ng pelikula, TV commercial, at pati sariling concert si Mommy D.

Kasabay din ng pagyaman ng anak, ang pagginhawa ng buhay ng kaniyang ina.
Noong isang taon lang ay nagpatayo ng sariling bahay si Aling Dionisia.

Ipakikita niya ito at ang kanyang mga gamit na galing pa sa Italy, pati ang kanyang pink na higaan, mga mamahaling sapatos at mga bag.

Hindi rin naman magpapahuli si Mommy D sa pagiging fit. Kung noon pagbo-ballroom ang hilig niya, ngayon ay pagwo-work-out naman sa mismong gym na pagmamay-ari ni Manny sa General Santos ang pinagkakaabalahan niya.  Sa edad na 64, banidosa at talagang maalaga si Mommy D sa kanyang mukha at katawan.

Ang kanyang sikreto raw ay ang pagdarasal. “Hindi ko na mapigilan (na) ang edad ko (ay) pataas nang pataas, sana ang mukha ko bata pa rin.  Lord,  i-steady ninyo ang mukha ko,  ‘yung  walang katandaan,”  pahayag ni  Mommy D.

Abangan ang makulay na buhay at personalidad ni Mommy Dionisia ngayong Sabado sa Follow That Star, ika-walo ng gabi sa GMA News TV.