GMA Logo Fonz in Apoy sa Dugo
Photo source: fonziru (IG)
What's Hot

Fonz, natupad ang dream role at childhood fantasy sa 'Apoy sa Dugo'

By Karen Juliane Crucillo
Published February 3, 2026 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos impeachment complaints’ authenticity included in determining substance
Pre-trial for Sarah Discaya, 9 others reset to Feb. 27, 2026
These beauty queens are rocking the red

Article Inside Page


Showbiz News

Fonz in Apoy sa Dugo


Fonz sa kanyang pagganap sa 'Apoy sa Dugo': “Maraming-maraming salamat, GMA, for fulfilling my childhood fantasy.”

Mula sa TikTok world, lalabas na rin sa TV screen ang content creator na si Fonz sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Fonz ang kanyang pasasalamat na mapasama sa Apoy sa Dugo, lalo na't dream role niya ang kanyang karakter sa serye.

“Sabi ko dati, pangarap ko maging best friend, 'yung role na best friend nung bida. Una kong role for TV series ganon, so parang Lord, thank you,” sabi ni Fonz.

Ikinuwento rin ng content creator ang isa niya pang pangarap na natupad dahil sa serye at ito ay ang makapag-mall tour na tinawag niyang kanyang “childhood fantasy.”

“And ang nakapag-complete ng fantasy ko, nagmo-mall tour ako. Naalala ko noong may pumunta na rapper na hindi ko kilala sa SM Bacoor noong mga 2007, pinupuntahan ko talaga sila kasi gusto kong nakakakita ng mga artistang nagmo-mall tour,” kuwento ni Fonz.

“Ngayon, nasa stage, from the backstage to the van, lalakad tapos nag-aabang 'yung mga tao, girl, parang fantasy 'to,” dagdag pa niya. “Maraming-maraming salamat, GMA, for fulfilling my childhood fantasy.”

Gaganap si Fonz sa Apoy sa Dugo bilang Fonzi, na magiging best friend ni Elle Villanueva. Makakasama rin niya sa serye sina Ashley Ortega, Derrick Monasterio, Thea Tolentino, Patricia Coma, Pinky Amador, at Ricardo Cepeda.

Abangan ang Apoy sa Dugo simula March 2 sa GMA.

Samantala, kilalanin dito ang content creator na si Fonz: