
Major red flag sa marami ang 'ghosting' pero naging daan ang experience na ito para sa content creator na si Fonz na maka-work ang isa sa tinitingalang celebrity sa Pilipinas na si Kris Aquino.
Sa pagharap niya sa session ng Your Honor na tinawag na 'In Aid of Plot Twists: Mina-manifest Ba?', binalikan ng Apoy sa Dugo star kung paano niya na ma-meet si Krissy matapos mag-fail ang plano niyang magtrabaho sa Singapore.
RELATED CONTENT: Get to know Fonz, the content creator with a hilarious twist
Kuwento niya sa House of Honorables, “Siguro isa sa pinaka-ultimate na plot twist is 'yung napasok nga ako kay Madam Kris Aquino.”
“Na-share ko ito before, kasi ito 'yung time na as in wala ako kapera-pera, wala akong katraba-trabaho. Perfect example ito, kasi nag-a-apply ako [ng] trabaho sa Singapore, so, 'yun ang goal ko 'di ba. Makapagtrabaho sa Singapore na barista. Yung tumutulong sa akin dun ghinost ako, as in ito na 'yung papel ganun, ready na ako. Sabi ko 'asan na? asan na?'
“Biglang hindi na nagre-reply? Na-scam ka?” tanong ni Chariz Solomon.
Tugon naman ni Fonz, “Slight”.
Sa kabutihang palad wala naman daw perang nakuha sa kaniya. Sumunod niyang kuwento, “Nagtrabaho na ako ng konti sa coffee shop niya sa Singapore. Umuwi kami para asikasuhin 'yung papeles. Sabi niya, 'babayaran kita sa trinabaho mo dun pagbalik natin'.”
“Nung pabalik na kami, hindi na siya nagparamdam. So, parang nalungkot lang [ako] kasi ito 'yung inaasahan ko at alam na ng mga kaibigan ko na magta-trabaho ako sa Singapore.”
Napansin daw siya ng Queen of All Media dahil sa ginawang niya meme na isang fake job interview kung saan tampok ang award-winning host.
Pagbabalik-tanaw ni Fonz sa nangyaring encounter kay Kris Aquino, “Tapos bored ako nun, ginawan ko ng meme si Madam Kris, 'tapos nag-viral sa Facebook. Nakita niya, minessage niya ako, 'tapos in-offer-an niya ako ng trabaho. 'Yung parang 'ito 'yung goal mo 'di ba?' [motions with his hand] sobrang gumanun.”
“As in nagtatatalon talaga ako, kaya siya plot twist kasi imagine mo talagang ako 'yung probinsyano na sobrang hilig sa mga artista, tapos 'yung magco-comment sa'yo 'yung number one na artista.”
Source: Your Honor
RELATED CONTENT: Ano ang real name ni Fonz at iba pang celebrities?