GMA Logo Fonzi
Photo source: GMA Drama, Michael Paunlagui
What's on TV

Fonzi, naninibago sa pag-arte sa harap ng camera nang dahil mas sanay sa kanyang TikTok acting

By Karen Juliane Crucillo
Published March 3, 2026 2:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Presyo ng gasolina - Gaano kalaki ang itataas bunsod ng krisis sa Middle East? | GMA Integrated Newsfeed
School principal, 2 others nabbed in Mati drug bust
Local telco offers free calls to Filipinos affected by the Middle East conflict

Article Inside Page


Showbiz News

Fonzi


Fonzi sa kanyang unang eksena sa 'Apoy sa Dugo:' “Nakaka-overwhelm.”

Ipinalabas na ang world premiere ng Apoy sa Dugo noong Lunes, March 2, kung saan ipinakita na rin ang unang eksena ng content creator na si Fonzi kasama sina Elle Villanueva at Cai Cortez.

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Fonzi ang kanyang first acting experience sa serye, at kung gaano ito kalayo sa nakasanayan niya bilang content creator.

“Kapag gumagawa po kasi ako ng TikTok content sa bahay, ang setup ko ay ilalagay 'yung cellphone sa harapan ko, a-acting, i-edit, ipo-post. So, parang kapag uma-acting ako sa TikTok ko, very straightforward,” kuwento niya tungkol sa kanyang pagiging isang content creator.

Ngunit inamin ni Fonzi na noong nagsimula na silang mag-taping, nanibago siya sa dami ng sabayang kailangang gawin tuwing taping at bilang isang artista.

“Noong nag-start na ako mag-taping, ang dami pala, parang sobrang kailangan mo mag-multitask. Naririnig ko 'to sa mga interview ng mga bagong artista before tapos now na na-experience ko na, ah ganito pala,” aniya.

Dagdag pa niya, “So, kailangan, uma-acting ka, dine-deliver mo 'yung lines mo, pinapakinggan ko 'yung linya ng ka-acting mo, but also, in your peripheral vision, tinitignan mo kung kita ka sa camera. Kapag 'yung direksyon ng direktor, pagkasabi ng word na 'to, nandito ka na, itong word na 'to, nandito ka na. Ganto pala 'to, sabay-sabay.”

Ibinahagi ng content creator na napagtanto niya na hindi lang basta-basta ang pag-arte sa harap ng camera. Ayon kay Fonzi, mahirap pala maging artista, lalo na pagdating sa pagpapakita ng matitinding emosyon sa taping.

“Tapos 'yung paulit-ulit na emotion, and minsan, hindi ko pa naman na-e-experience, 'yung mga ka-eksena ko, nasa height sila ng emotion, cut, ulit. Cut, ulit,” pahayag niya.

“Ah ganito pala 'to. Nakaka-overwhelm,” dagdag niya.

Si Fonzi ay gumaganap bilang si Fonzi, na magsisilbing kaibigan nina Elle at Cai sa serye. Siya ay unang nakilala sa TikTok sa kanyang mga skits na may “unexpected twists.”

Patuloy na subaybayan ang Apoy sa Dugo mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.

Samantala, mas kilalanin pa si Fonzi sa gallery na ito: