
Muli nating samahan ngayong Linggo sa isang food adventure ang Kapuso chef na si Chef JR Royol.
Sa April 6, makakasama sa Farm to Table ang talented Kapuso star na si Vaness Del Moral. Abangan ang kaniyang version ng adobo na siguradong magpapatakam sa mga food explorers.
PHOTO SOURCE: Farm to Table
Mapapanood din sa Linggo ang pagpapatuloy ng pag-explore ni Chef JR sa mga pagkaing mula sa Batangas. Gagawa rin si Chef JR ng isang dish gamit ang kilalang Pinoy side dish.
Abangan pa sa Linggo ang ihahanda ni Chef JR mula sa The Courtyard Farm Kitchen.
Huwag magpahuli sa bagong food adventure na ito sa Farm to Table ngayong Linggo (April 6) 7:15 pm sa GTV!
Mapapanood din ang Farm to Table online via Farm to Table Facebook page, at sa GMA Network at ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube channels.