GMA Logo marvin agustin
Source: marvinagustin (Instagram)
What's Hot

Marvin Agustin, humingi ng paumanhin sa customers ng kaniyang Cochinillo business

By Jimboy Napoles
Published December 27, 2021 12:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipinas in Kyiv choose their families and the lives they’ve built amid the war
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

marvin agustin


Nangako ang actor-entrepreneur na si Marvin Agustin na babawi siya sa customers na naapektuhan ng glitch sa kaniyang Cochinillo business

Mabilis na nag-trending online business ng aktor na si Marvin Agustin na Cochinillo o ang pinadapang litsong biik. Maraming customers ang nag-order nito upang ihanda sana sa kanilang Noche Buena.

Ngunit nito lamang nagdaang Pasko, inulan ng reklamo ang business na ito ni Marvin dahil sa di umano'y delayed delivery at poor customer service.

Paliwanag ng aktor, nagkaroon daw ng problema sa kanilang kitchen equipment at maraming couriers ang nag-cancel ng delivery.

Sa isang Facebook post, agad namang humingi ng paumanhin si Marvin sa mga customer na naapektuhan ng glitch sa kaniyang negosyo.

"Napakahalaga ng Pasko sa atin, lalo na sa dami nang pinagdaanan natin ngayong nakaraang taon kung kaya't napakasakit para sa akin na madami kaming mga taong naperwisyo kahapon at ngayong araw na 'to," sulat ng aktor sa kaniyang post.


Dagdag pa niya, "I am very sorry to each one of you. Maling-mali na nagpa-overwhelm kami sa mga di inaasahang problema, nagkulang kami sa aming serbisyo, at hindi namin agad-agad na natugunan ang inyong mga katanungan. At masakit man yung mga nababasa ko, tinatanggap ko lahat kasi talagang nagkamali ako."

Nangako si Marvin na babawi siya sa abot ng kaniyang makakaya sa lahat ng customer na kanilang nadismaya.

"My team and I have reached out to some of you, the people I've caused terrible inconvenience and an awful experience during the most important and special occasion of the year. And you will continue to hear from me in the next few days.

"To those who have not received a message from us yet, I am just gathering all the information so we can address your concerns properly. Bawat isa sa inyo mahalaga sa akin at sa aming trabaho. I promise each one of you, we will do better," aniya.

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang listahan ng mag artista na nagsimula ng kanilang negosyo sa kabila ng pandemya: