
Marami raw sanhi ang tigyawat at marami ring paraan para maiwasan ito.
Ayon sa skin expert na si Dr. Winlove Mojica, isa na rito ang pag-iwas sa mga pagkain na may mataas na glycemic index tulad ng white rice, white bread, patatas, at instant oatmeal.
Nag-trending din sa TikTok ng GMA News and Public Affairs ang post ni Dr. Winlove na nagpapakita ng skincare tips sa pamamagitan ng tamang pagkain.
@gmapublicaffairs #skincare is life! Lessen your intake of the following foods to avoid #pimples! #skincare #acne #doctor #fyp #foryourpage #kapuso #gmapublicaffairs
♬ Bagaikan Langit(cover) - _ucil👑
Kuwento ni Dr. Winlove sa Unang Hirit, “You may try it once or two times a week, give it a month. If you're not happy I suggest you see a doctor para mas ma-evaluate kung ano 'yung iba pang possible reasons.”
Binanggit rin niya ang mga dapat iwasan para sa magandang kutis, “Mga pagkain na may high glycemic index, mga pagkain na malakas makapag-shoot up ng inflammation.”
“Patatas, white rice, white bread, watermelon, instant oatmeal…kasi pro-inflammatory ang mga pagkain na ito. Hindi naman bawal, bawas lang,” saad niya.