GMA Logo Forda Ferson and Leon
PHOTO SOURCE: Forda Ferson (Facebook)
What's Hot

Forda Ferson, umamin sa totoong status nila ni Leon: 'Hindi po kami nag-work out'

By Maine Aquino
Published July 20, 2026 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaki, nagnakaw ng halos P20,000 na halaga ng sapatos, tsinelas sa Tondo
Tips for collectors of toys, cards, or anything that sparks joy
New Era of Romance: why the Philippines is evolving into a world-class wedding destination

Article Inside Page


Showbiz News

Forda Ferson and Leon


Alamin ang kuwento ni Forda Ferson tungkol sa pag-amin niya ng kaniyang nararamdaman para kay Leon.

Nagsalita na si Chrish Ann Austria, na mas kilala bilang si Forda Ferson, tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Leon.

Si Leon o Paul “Leon” Sew Hee ay ang Aussie Boy na nakilala niya sa pamamagitan ng boyfriend-for-hire service sa kaniyang trip sa Japan.

Sa kaniyang Facebook reel, ipinaliwanag ni Forda ang current status nila ni Leon. Una niyang ipinaliwanag ang responsibilidad niya bilang public figure at pati na rin ang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanila ni Leon.

PHOTO SOURCE: Forda Ferson (Facebook)

"I know na madaming nagtatanong sa inyo about sa amin ni Leon or sa Forda Leon. Gusto ko lang po magpasalamat sa lahat po ng mga sumuporta sa amin, sa lahat po ng nagdasal, nagmahal, at hinding-hindi po namin makakalimutan mula sa aming puso. Maraming maraming salamat."

Dugtong pa ni Forda, "Dahil public figure po ako, alam ko po 'yung mga responsibilities sa platform na meron ako ngayon. Alam ko rin po na hindi ko po ma-co-control ang opinyon ng lahat. Honestly, guys, hundred percent, aaminin ko 'to sa inyo, noong una talaga for content lang siya, promise."

Ibinahagi ni Forda kung kailan siya nagkaroon ng feelings para kay Leon. Inilarawan din ni Forda kung paano niya inamin ang kaniyang nararamdaman para kay Leon.

"Simula noong umuwi siya ng Pilipinas, actually kahit hindi pa siya umuuwi ng Pilipinas, doon na nag-start na iba na 'yung nararamdaman ko. Hindi ako mahihiyang aminin sa inyo 'to, guys, kasi sinabi ko 'to sa kanya, mata sa mata, personally. Inamin ko sa kanya mula sa puso ko. Nag-usap kami ditong dalawa. We talked about this. Siguro naman ma-ge-gets ninyong lahat na hindi lahat ng pinag-usapan namin privately ay kailangan naming isapubliko."

Inilahad pa ng content creator na si Forda na unang beses niyang nag-entertain ng lalaki at wala siyang pinagsisihan dito.

"Alam kong alam niyong lahat na first time ever in my life nag-entertain po ako ng lalaki, nag-allow ako ng lalaki na pumasok sa buhay ko. Hindi po ako nagsisisi doon. Inamin din namin sa live na getting to know each other kami. And during those days, doon ko mas nakilala ang sarili ko. Doon ko nalaman kung ano ba talaga ang values ko sa sarili, kung ano ang standards ko, at lalong-lalo na ang mga non-negotiable ko pagdating sa relationship, sa lalaki, to be exact."

Sa huli, sinabi ni Forda na pinili na lang nilang mag-move on individually.

Ani Forda, "Hindi po kami nag-work or hindi po kami nag-work out. Hindi naman po ibig sabihin na gusto ko or gusto natin, gusto ng fandom, gusto ng mga manonood is ipipilit na namin.”

Paliwanag pa niya, "Out of respect sa isa't isa… nakapagdesisyon na po kami. Na-settle na rin po namin ito. We decided mag-move forward na lang po individually."