
Isa si Dingdong Dantes sa mga iniidolong aktor ng Forever Young star na si Euwenn Mikaell.
Matatandaan na nagkasama sina Euwenn at Dingdong noong 2023 sa award-winning film na Firefly.
Sa pelikula, bumida si Euwenn bilang young Tonton, na naghahanap sa mahiwagang island of fireflies na ikinuwento lang noon sa kanya ng kanyang inang si Elay (Alessandra De Rossi). Habang napanood naman si Dingdong sa isang special role bilang adult Tonton, na naging isang manunulat.
Sa kanyang interview sa Updated with Nelson Canlas, sinabi ni Euwenn kung bakit hinahangaan niya ang Firefly co-actor na si Dingdong Dantes.
"Idol ko po rito sa GMA si Kuya Dingdong," ani Euwenn. "[Hardworking] si Kuya Dingdong."
Sa nauna niyang interview sa Unang Hirit, ikinuwento ng 11-year-old award-winning actor na isa si Dingdong sa mga artistang pinaka naka-close niya.
Kasalukuyang nagbibigay inspirasyon si Euwenn bilang Rambo sa afternoon series na Forever Young.
Si Rambo ay isang 25-year-old na mayroong rare medical condition na panhypopituitarism, na nakaapekto sa kanyang paglaki. Sa kabila nito, lalaban siya bilang mayor ng bayan ng Corazon.
MAS KILALANIN ANG AWARD-WINNING KAPUSO CHILD ACTOR NA SI EUWENN MIKAELL SA GALLERY NA ITO: