
Mabubunyag na ang pagtatraydor ni Rigor (James Blanco) kay Esmeralda (Eula Valdes).
Sa pasilip sa finale episode ng Forever Young, galit na galit na hinarap ni Rigor si Joryl (Abdul Raman) nang dumating ito kasama si Julio (Lucho Ayala) sa lugar kung saan nila hinostage sina Eduardo (Michael De Mesa) at Rambo (Euwenn Mikaell) kasama ang pamilya Agapito.
Buong tapang na hinarap ni Joryl si Rigor, at sinabi na rin nito kay Esmeralda ang ginawang pagtatraydor ng huli--na si Rigor ang pumatay sa amang si Albert (Rafael Rosell).
Paano kaya haharapin ni Esmeralda ang katotohanan na si Rigor ang totoong pumatay sa anak na si Albert?
Huwag palampasin ang huling pasabog sa finale episode ng Forever Young ngayong Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG PROKLAMASYON KAY RAMBO BILANG MAYOR SA GALLERY NA ITO: