
Aalamin na ni Albert (Rafael Rosell) kung anak nga ba niya si Rambo (Euwenn Mikaell) sa pamamagitan nang pagpapa-DNA test.
Matatandaan na nakilala ni Albert ang kwintas ni Rambo at nagtaka ito kung bakit kaparehas ito nang suot na kwintas ni Marian (Sophie Albert). Dating naging kasintahan ni Albert si Marian at naniniwala ito na siya ang ama ng anak ng huli.
Sa teaser na inilabas ng Forever Young ngayong Biyernes (December 20), makikitang ipina-DNA test ni Albert ang telang ipinantali sa sugat ni Rambo.
Sinabi naman ni Gregory (Alfred Vargas) kay Juday (Nadine Samonte) ang hinala nito na maaaring hindi tunay na apo ni Eduardo (Michael De Mesa) si Oliver (Yasser Marta).
Malalaman na kaya ni Albert na siya ang tunay na ama ni Rambo?
Abangan ito sa Forever Young ngayong Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: