
Palapit na nang palapit si Albert (Rafael Rosell) sa katotohanan tungkol sa tunay na relasyon niya kay Rambo (Euwenn Mikaell).
Sa teaser na inilabas ng Forever Young ngayong Huwebes (December 19), makikilala ni Albert ang napulot niyang kuwintas ni Rambo.
Dahil dito, mas titindi ang hinala niya kung bakit magkaparehas ang kuwintas nina Marian (Sophie Albert) at Rambo.
Malalaman na kaya ni Albert na anak niya si Rambo?
Abangan ito sa Forever Young ngayong Huwebes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: