
Mabibigat ang mga eksenang masasaksihan ngayong Huwebes, November 7, sa Forever Young lalo na ngayong nadagdagan ang pagsubok sa pamilya Agapito dahil sa nangyaring eskandalo sa Mr. Little Gwapings.
Matatandaan na nakipagsapalarang sumali si Rambo (Euwenn Mikaell) sa pambatang contest na Mr. Little Gwapings para makatulong sa operasyon ng kanyang amang si Gregory. Pero nabisto siya nang dumating si Kapitan Gerry (Sef Cadayona) sa event at sinabi kay Governor Esmeralda (Eula Valdes) ang tunay na edad nito.
Samu't saring masasakit na salita ang natanggap ni Rambo at ng kanyang pamilya sa kapitan at maging sa gobernadora nang hindi man lang pinapakinggan ang dahilan kung bakit niya nagawa ito.
Panoorin dito:
Ngayong Huwebes, base sa teaser na inilabas ng Forever Young, hindi pa rin tumigil ang kapitan at gobernadora at ipinaaresto si Rambo!
Paano na kaya ang operasyon ni Gregory (Alfred Vargas) ngayong makukulong si Rambo? Sino kaya ang makatutulong sa pamilya Agapito?
Patuloy na subaybayan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: