
Kaabang-abang ang mga susunod na eksenang mapapanood sa Forever Young ngayong nagsimula na ang pagkandidato ni Rambo (Euwenn Mikaell) bilang kapitan ng barangay.
Sa pagtakbo, makakalaban niya ang korap na barangay captain na si Gerry (Sef Cadayona), na kaalyado ni Gov. Esmeralda (Eula Valdes).
Sa teaser na inilabas ngayong Huwebes (November 14), malalagay sa peligro ang buhay ni Rambo sa patuloy na paglaban sa katiwalian nina Kapitan Gerry at Gov. Esmeralda.
Lubos din ang pag-aalala nina Juday (Nadine Samonte) at Gregory (Alfred Vargas) sa pagtakbo ni Rambo bilang kapitan ng barangay.
Makaligtas kaya si Rambo sa masamang binabalak nina Gerry at Esmeralda?
Abangan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG 'FOREVER YOUNG' SA GALLERY NA ITO: