
Nasabi na ni Rambo (Euwenn Mikaell) kay Eduardo (Michael De Mesa) na hindi nito apo si Oliver (Yasser Marta).
Sa kabila ng paglantad ng katotohanan, hindi ito agad na pinaniwalaan ni Eduardo.
Sa teaser na inilabas ngayong Miyerkules ng Forever Young, si Eduardo na mismo ang pupunta kay Aileen (Maritess Samson) para malaman kung totoo ang sinabi sa kaniya ni Rambo.
Samantala, sa pagkabunyag ng sikreto nina Guada at Oliver, mabubuking na rin kaya na pakana ang lahat ng ito nina Esmeralda (Eula Valdes) at Rigor (James Blanco)?
Abangan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
BALIKAN ANG HAPPY MOMENTS NG PAMILYA AGAPITO AT MALAQUE SA GALLERY NA ITO: