
Pareho nang pumanaw sina Gregory (Alfred Vargas) at Albert (Rafael Rosell) dahil sa kasamaan ni Rigor (James Blanco).
Bago pa man malagay sa panganib ang kanilang mga buhay, hangad nina Gregory at Albert na maipaalam kay Rambo (Euwenn Mikaell) na ang huli ang tunay niyang ama.
Malalaman pa kaya ni Rambo ang katotohanan ngayong nakuha na ni Guada (Chanda Romero) ang puting sobre na naglalaman ng DNA test result at naibigay na ito kay Rigor?
Sa teaser na inilabas ngayong Huwebes, ipinapahanap ni Esmeralda (Eula Valdes) kay Rigor ang pumatay kay Albert.
Subaybayan ito sa Forever Young ngayong Huwebes (January 2) sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG CAST SA SET NG FOREVER YOUNG DITO: