GMA Logo Forever Young episode 74
What's on TV

Forever Young: Pagtakas nina Guada at Oliver!

By Aimee Anoc
Published January 30, 2025 11:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Forever Young episode 74


Bistado na ang panloloko nina Guada at Oliver! Makatakas kaya sila mula kay Eduardo? Abangan ito sa 'Forever Young,' 4:00 p.m. sa GMA Afternoon prime.

Sa hit afternoon prime serye na Forever Young, bistado na ang panloloko ng mag-inang Guada (Chanda Romero) at Oliver (Yasser Marta) matapos na ipaalam ni Rambo (Euwenn Mikaell) kay Eduardo (Michael De Mesa) na hindi nito tunay na apo si Oliver.

Para malaman kung totoo ang sinasabi ni Rambo, si Eduardo na mismo ang pumunta kay Aileen sa ospital.

Sa teaser na inilabas ng Forever Young, tatakas na sina Guada at Oliver sa bahay ni Eduardo pero naabutan sila ng huli.

Binantaan naman ni Oliver na babarilin si Eduardo kung hindi sila nito paaalisin.

Nalaman na rin ni Esmeralda (Eula Valdes) na buking na ang sikreto nina Guada at Oliver.

Matakasan kaya nina Guada at Oliver ang kanilang panloloko, maging ang kasamaan ni Esmeralda?

Abangan ito ngayong Huwebes sa Forever Young, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

BALIKAN ANG HAPPY MOMENTS NG PAMILYA AGAPITO AT MALAQUE SA GALLERY NA ITO: