GMA Logo Euwenn Mikaell in Forever Young
What's on TV

Forever Young: Panalo si Rambo sa pagkakapitan!

By Aimee Anoc
Published December 3, 2024 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Euwenn Mikaell in Forever Young


Si Rambo (Euwenn Mikaell) na ang bagong kapitan ng Barangay Liwayway. Paano kaya ito tatanggapin ni Esmeralda (Eula Valdes)?

Malalaman na ang resulta ng botohan kung sino nga ba kina Rambo (Euwenn Mikaell) at Gerry (Sef Cadayona) ang mananalong kapitan ng Barangay Liwayway.

Mainit ang tapatan nina Rambo at Gerry lalo na at malaki ang lamang ng huli sa botohan noong Lunes. Pero, ano kaya ang nangyari at natalo ni Rambo si Gerry sa pagkakapitan?

Sa teaser na inilabas ng Forever Young ngayong Martes (December 3), idineklarang bagong halal na kapitan si Rambo ng Barangay Liwayway. Hindi naman ito matanggap ni Gerry.

Paano kaya tatanggapin ni Esmeralda (Eula Valdes) ang pagkapanalo ni Rambo bilang bagong kapitan ng Barangay Liwayway? Ano na kaya ang mangyayari kay Gerry?

Abangan ito sa Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

MAS KILALANIN ANG CAST NG 'FOREVER YOUNG' SA GALLERY NA ITO: