
Mas exciting at kaabang-abang ang mga tagpong mapapanood sa Forever Young dahil magsisimula na ang pagiging public servant ni Rambo Agapito (Euwenn Mikaell).
Nakitaan ni Eduardo (Michael De Mesa) ng tapang, pagiging mabuting tao, responsable, mapagkumbaba, at pagiging makatao si Rambo matapos na tulungang makalaya mula sa hindi makatwirang pagkakakulong at panggigipit dito nina Kapitan Gerry (Sef Cadayona) at Governor Esmeralda (Eula Valdes).
Base sa teaser na inilabas ng Forever Young ngayong Lunes (November 11), inalok ni Eduardo si Rambo na tumakbong kapitan ng barangay. Naniniwala si Eduardo sa kakayahan ni Rambo na makapaglingkod sa maraming tao.
Ano kaya ang magiging desisyon ni Rambo sa alok na ito ni Eduardo?
Patuloy na subaybayan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: