
Ipinagdiriwang ngayong Martes (January 14) ng Forever Young child actor na si Euwenn Mikaell ang kanyang 12th birthday.
Sa kanyang Instagram posts, enjoy na enjoy si Euwenn sa selebrasyon ng kanyang birthday sa Narvacan, Ilocos Sur.
Makikita rin ang masayang paliligo ng batang aktor sa beach at swimming pool.
Nakatanggap naman ng pagbati si Euwenn mula sa batikang aktor at Forever Young co-actor na si Michael De Mesa.
Kasalukuyang napapanood si Euwenn sa kanyang kauna-unahang TV lead role bilang Rambo sa family drama series na Forever Young, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG ILANG CUTE PHOTOS NI EUWENN MIKAELL SA GALLERY NA ITO: