GMA Logo forever young
What's on TV

Forever Young: Tatakbong mayor sina Rambo at Eduardo!

By Aimee Anoc
Published January 23, 2025 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

forever young


Nagbabalik na si Yaya Aileen! Malaman na kaya ni Eduardo na hindi niya tunay na apo si Oliver?

Magiging magkalaban sa pagka-mayor sina Rambo (Euwenn Mikaell) at Eduardo (Michael De Mesa).

Sa teaser ng Forever Young, nagdesisyon na si Rambo na tumakbong mayor ng bayan ng Corazon. Tuwang-tuwa naman si Esmeralda (Eula Valdes) sa desisyong ito ni Rambo.

Pansamantalang naninirahan ngayon si Rambo sa bahay ni Esmeralda matapos na palayasin ng mag-inang Guada (Chanda Romero) at Oliver (Yasser Marta) sa bahay ni Eduardo.

Samantala, nagbabalik na si Yaya Aileen (Maritess Samson) para sabihin kay Eduardo ang totoo. Pero, hindi ito hahayaan nina Guada at Oliver.

Sa pagbabalik ni Yaya Aileen, malaman na kaya ni Eduardo na hindi niya tunay na apo si Oliver?

Abangan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG FOREVER YOUNG CAST SA PAGKAMATAY NINA GREGORY AT ALBERT DITO: