
Usap-usapan sa social media ang latest videos at mga pahapyaw na inilabas ng Wish Ko Lang tungkol sa bagong episode ng programa.
Tampok sa ilang clips si Josephine Manuel, isang dating artista na nakitang pagala-gala sa lansangan, hila ang isang malaking bayong.
Sa comments section ng posts, mababasa na marami ang nakaalala sa dating aktres at bumuhos ang tanong ng netizens kung ano ang nangyari sa kanya.
Courtesy: Wish Ko Lang
Si Josephine ay napanood noon sa ilang pelikula kung saan nakasama niya sina Lito Lapid, Rudy Fernandez, at iba pang aktor.
Noong 1970 hanggang 1980s, nakilala siya sa Philippine entertainment industry bilang isang sexy actress at leading lady.
Ano nga kaya ang naging buhay ni Josephine matapos ang kanyang karera sa showbiz?
Huwag palampasin ang kanyang istorya, matutunghayan na ngayong Sabado, 4:00 p.m. sa Wish Ko Lang.
Related gallery: Celebrities who left the limelight to live abroad