What's Hot

Former beauty queen at teacher, patay sa pamamaril

By Marah Ruiz
Published February 17, 2026 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace denies road incident involving 'presidential son'
GMA Network caps 2025 with ratings leadership, digital dominance
Philippine classic 'Noli Me Tangere' set for Arabic translation

Article Inside Page


Showbiz News

Lullete Jane Ramilo de Guzman


Pinagbabaril sa kanyang sasakyan ang isang former beauty queen at teacher sa San Manuel, Isabela.

Namatay si Miss Philippines-Earth 2013 runner up Lullete Jane Ramilo-de Guzman dahil sa pamamaril sa harap mismo ng kanyang bahay sa San Manuel, Isabela.

Lullete Jane Ramilo de Guzman

Photo source: Florida de Guzman Ramilo (FB)

Nangyari ang insidente noong February 13, matapos sunduin ng former beauty queen at teacher ang tatlo niyang anak mula sa paaralan.

Pagbaba ng sasakyan ng mga bata, saka pinagbabaril ng riding-in-tandem si Lullete sa loob ng kanyang sasakyan.

Nagtamo siya ng tama ng bala sa pisngi at tagiliran habang ligtas naman ang kanyang mga anak.

Iniimbestigahan pa ang motibo ng krimen at ang identity ng mga salarin.

Nag-alok na rin ng Php 50,000 na pabuya si San Manuel Mayor Faustino "Dondon"Dy IV sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa kaso.