What's on TV

Former beauty queen Michelle Aldana, balik-Pinas para sa 'Love You Stranger'

Published April 14, 2021 11:01 AM PHT
Updated April 11, 2022 9:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICC confirms arrest warrant for Bato Dela Rosa over drug war killings
Mag-inahan sa Cebu, Gi-heart sa mga Netizen | Balitang Bisdak
TikTok Shop honors standout creators at 2026 Creator Awards

Article Inside Page


Showbiz News

Michelle Aldana


Gaganap si Michelle Aldana bilang ina ni Gabbi Garcia na may mental illness sa 'Love You Stranger.'

Mula South Africa ay nagbalik sa Pilipinas ang former beauty queen na si Michelle Aldana para maging bahagi ng upcoming Kapuso series na Love You Stranger na pagbibidahan ng real-life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Gagampanan niya ang papel ng ina ni Gabbi na mayroong mental illness.

Ayon sa aktres, nang malaman niya ang tungkol sa role ay kaagad siyang nag-audition para rito. Kaagad din umano siyang bumalik sa bansa para gawin ang bagay na pinaka na-miss niya, ang pag-arte.

Michelle Aldana

Source: therealmichellealdana (Instagram)

“Iba rin kasi kapag sarili mong salita o wika 'yung ginagamit mo. Iba talaga 'yung dating. Kasi minsan kapag English 'pag umaarte ka sa ibang bansa, iba 'yung tunog tsaka iba 'yung dating sa katawan mo ng pananalita. Parang hindi totoo. Na-miss ko talaga,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Sumikat si Michelle noong '90s matapos makoronahang Miss Asia Pacific noong 1993. Matapos ang kanyang reign, pinasok ng beauty queen ang showbiz at ang una niyang acting project ay ang 1994 action movie na Hindi Pa Tapos Ang Laban kasama si Fernando Poe Jr.

Bumida rin si Michelle sa 1996 film na Segurista kasama sina Gary Estrada, Ruby Moreno, Albert Martinez, Julio Diaz, at Pen Medina.

Kilalanin si Michelle Aldana sa gallery na ito:

Samantala, nagsimula na noong March 14 ang lock-in taping para sa serye at nagpasilip si Khalil ng mga kaganapan sa taping ng serye sa ilang larawan na ipinost niya sa kanyang social media account.

Ang Love You Stranger ay isang romance mystery show na isinulat ng award winning GMA Public Affairs producer na si Anj Atienza katuwang ang writer-director na si Irene Villamor bilang consultant.

Bukod kina Gabbi, Khalil, at Michelle, tampok din sa Love You Stranger sina Carmi Martin, Alex Medina, Angeli Sanoy, Lui Manansala, Bodjie Pascual, at Ces Quesada.

Tingnan ang mga larawan sa gallery na ito: