
Tapatan ng former child star at ng former teen star ang aabangan sa Tuesday night episode ng Family Feud!
Throwback episode ang inihanda ng Family Feud ngayong November 25 sa pagalingan ng teams nina Former child actor Ryan "Atong" Redillas at former teen star Jobelle Salvador ang ating masasaksihan.
Maglalaro sa Team Maligamgam ang original "Little Mr. Pogi," ang award-winning former child actor na isa na ngayong college instructor na si Ryan. Makakasama niya sa team ang anak na si Rovyn Redillas; ang kaniyang best buddy na si Diego Piñga; at ang sister-in-law na si April Ramos.
Mula naman sa Salvador Family ang team ng memorable '80s teen star at isa sa original cast members ng Bagets na si Jobelle. Kasama niya sa Family Feud stage ang anak niyang si Jullyna; ang kaniyang kapatid at veteran actress na si Deborah Sun; at ang anak ni Deborah na si Jem.
Throwback energy ang mapapanood sa Family Feud ngayong November 25, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: