
Engaged na ang dating child star na si Trina Legaspi, o mas kilala sa kanyang moniker na Hopia, sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Ryan Jarina.
Inanunsyo ng aktres ang magandang balita sa kanyang Instagram account noong Sabado, November 28, anim na araw matapos naganap ang proposal.
Sulat ni Trina, "6 years together and forever!! Without a doubt, in a heartbeat, I said YES! I can't wait to marry my first and only love."
Sa isang parte, sabi pa niya, " It's worth the wait talaga!"
Sa hiwalay na Instagram post, nagpasalamat naman si Trina sa mga nagpaabot ng pagbati sa kanila ng kanyang ngayo'y fiance.
Nakilala si Trina nang mapabilang sa children's gag show na Goin' Bulilit.
Samantala, narito pa ang ilang celebrity na na-engage sa panahon ng COVID-19 quarantine.