
Bagong tapatan na may blast of nostalgia and rising star power ang inihanda ng Family Feud ngayong Martes!
Ngayong November 4, exciting ang tapatan sa Family Feud stage dahil maghaharap ang former child stars at rising GMA stars.
Sa The Grown-Up Cuties maglalaro ang former child stars na nagpabilib sa mga manonood. Binubuo ang team nina award-winning former child actor Miggs Cuaderno, StarStruck Kids graduate Sandy Talag, Futbolilits star Yogo Singh, at Bakekang, Mga Mata ni Anghelita, at Art Angel star na si Krystal Reyes.
Baon din ng former child stars ang kanilang kuwento mula sa adorable throwback photos at mga experience bilang young actors.
Makakatapat nila sa episode na ito ang fresh and fierce team of rising GMA stars sa Tropang Sparkle. Kabilang dito ang volleyball player-turned-actor John Vic de Guzman, Alexa Lei Medioda, Timothy Chan, at Angelika Santiago na magpapakita ng talino at teamwork sa Family Feud stage.
Abangan ang fun Tuesday episode na hatid ng Family Feud ngayong November 4, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: