GMA Logo Family Feud
What's on TV

Former child stars Zaijian Jaranilla at BJ 'Tolits' Forbes, may 'Family Feud' tapatan

By Maine Aquino
Published December 18, 2025 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CT-TODA, Nakigtigom sa Kadagkuan sa mga Establisemento alang sa Traffic Plan | Balitang Bisdak
2025 SEA Games: PH falls to Malaysia in men’s football battle for bronze
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Narito ang mga dapat abangan sa 'Family Feud' showdown nina Zaijian Jaranilla at BJ “Tolits” Forbes.

Iconic former child stars naman ang aabangan sa Thursday episode ng week-long Christmas special ng Family Feud.

Ngayong December 18, sama-sama tayong mag-reminisce kasama ng dating child stars na sina Zaijian Jaranilla at BJ “Tolits” Forbes.

Si Zaijian ay nakilala sa unforgettable role niyang Santino. Sa Family Feud episode ngayong Huwebes ay magiging leader siya ng team na Jaranilla Family.

Makakasama niya sa Family Feud stage si Zymic Jaranilla na napanood naman sa Yagit, Meant To Be, Poor Señorita, at iba pa. Maglalaro rin sa Jaranilla Family ang kanilang ama at dating bassist sa banda na si Zenon Jaranilla, at si Glenn Reynon, ang former teacher ni Zaijian na isa na ngayong communications professor sa UST.

Si BJ o Tolits naman ay nakilala bilang adorable kid sa Mulawin at naging fan favorite dahil sa kaniyang bibo at charming personality. Ngayon, mayroon na siyang career bilang rapper, thespian, host, vlogger and businessman.

Kabilang sa kaniyang team na Forbes Family ang fiancée niyang si Jane Jimenez, ang mommy ni Tolits na si Annie Forbes, at ang kanyang future father-in-law niyang si Jeff Jimenez.

Thursday night na may nostalgia ang susubaybayan sa Family Feud ngayong December 18, 5:40 p.m. sa GMA.

Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para malaman kung paano makakasali sa Guess More, Win More promo: