
Isang exciting na episode ng Family Feud ang dapat abangan ng Kapuso viewers kasama si former Commission On Elections (COMELEC) Commissioner na si Atty. Rowena Guanzon.
Sa inilabas na teaser photos ng programa ngayong Martes (June 7), kasama ni Atty. Guanzon na maglalaro sa nasabing game show ang ilan sa kanyang mga Deltan sisters gaya ni Congresswoman Bernadette Herrera-Dy.
Bukod sa pagiging matapang na abogada, kilala rin online si Atty. Guanzon na walang inaatrasan lalo na sa kanyang mga online bashers. Pero uubra kaya ang kanyang pagiging straightforward pagdating sa hulaan ng top survey answers?
Sino naman kaya ang makakatapat ni Atty. Guanzon sa kanyang paglalaro sa Family Feud? Abangan 'yan!
Samantala, kilalanin naman ang ilang celebrities na naging politicians sa gallery na ito: