
Ikinalungkot ng beauty queen at former Eat Bulaga host na si Valerie Weigmann ang mga nabasa niyang komento online patungkol sa Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray.
TRIVIA: The fabulous life of Valerie Weigmann
Ipinagtanggol ni Valerie si Catriona lalo na sa mga nang-ba-body-shame dito.
Bagama’t wala siyang tinukoy na partikular na tao sa kaniyang Instagram story, makikita na nais ng international model na sana resputin ng mga tao ang pagkakaiba ng isa’t-isa.
Si Valerie ang napiling humalili kay Kapuso actress Megan Young bilang Miss World Philippines taong 2014.
Mainit ding pinag-uusapan ngayon online ang naging comments nina 2013 Miss International Bea Rose Santiago at former Miss World Philippines Maggie Wilson patungkol sa pagkapanalo ni Catriona ng Best in Swimsuit Award sa coronation night ng Binibining Pilipinas.
Not Seen On TV: Catriona Gray and other Binibinis comfort Sandra Lemonon after Q&A round