GMA Logo Tagalog Kurt in Amazing Earth
What's on TV

Former US marine turned content creator na si Tagalog Kurt, may challenge sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published February 26, 2025 1:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Tagalog Kurt in Amazing Earth


Makakasama ni Dingdong Dantes si Kurt Harris aka "Tagalog Kurt" sa 'Amazing Earth'

Ngayong Biyernes (February 28) exciting at bago ang mga kuwento at adventure na ibabahagi ni Dingdong Dantes sa Amazing Earth.

Makakasama ng Kapuso Primetime King na si Dingdong ang isang former US marine turned content creator. Siya ay si Vlogger Kurt Harris o Tagalog Kurt na sumikat sa kaniyang food and travel vlogs.

Sa kaniyang pagbisita sa Amazing Earth, makakakuwentuhan niya si Dingdong at may amazing challenge pa siyang haharapin.

Mapapanood din sa Amazing Earth ang isang talking crow na bagong social media darling. Alamin ang kakaibang kuwentong ito mula sa naka-rescue na residente ng Kabankalan City, Negros Occidental.

Kaabang-abang din ang mga kuwentong hatid ni Dingdong sa pagtatapos ng nature documentary-series na “Wild Taiwan: Jungle Island”.

Abangan ang Amazing Earth ngayong Biyernes (February 28), 9:35 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.