
Magsasama sa Family Feud stage ang dalawa sa dating members at sexy stars ng "Viva Hot Babes."
Ang mga miyembro ng all-girl Filipino group na sina Sheree Bautista at Jen Rosendahl-Chanco ay mapanonood sa Family Feud ngayong December 8 para sa isang exciting survey showdown.
Ang leader ng team na Bautista Family ay ang singer, actress and painter na si Sheree Bautista. Makakasama niya sa Family Feud stage ang kaniyang ina na si Allie Bautista, ang tita niyang si Jhoy Bautista, at anak niyang si Haley Magdangal.
Maglalaro naman sa Chanco Family ang aktres na gumaganap na "Berta" sa Pepito Manaloto na si Jen Rosendahl-Chanco. Makakasama niyang magpakita ng galing sa Family Feud ang asawa niyang si Jules Chanco, ang online tutor na si Jaimee Chanco, at ang auto shop owner na si Anton Chanco.
Abangan ang Monday showdown na hatid ng Family Feud ngayong December 8, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para malaman kung paano makakasali sa Guess More, Win More promo: