GMA Logo Fortenors on The Voice Generations
What's on TV

Fortenors ng Stellbound, pasok na sa Semi-Finals ng 'The Voice Generations'

By Jimboy Napoles
Published November 10, 2023 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Fortenors on The Voice Generations


Abangan ang Fortenors sa Semi-Finals ng 'The Voice Generations.'

Pasok na ang all-male group of singers na Fortenors ng team Stellbound sa Semi Finals ng The Voice Generations.

Sa unang Battle Round ng nasabing singing competition, nakatapat ng Fortenors ang duo at mag-ama na sina Mark and Willy.

Sa nasabing Battle, inawit ng Fortenors ang kanilang sariling version ng classic love song na “This I Promise You” na nagpabilib hindi lang kay Coach Stell kung 'di maging sa tatlo pang coaches na sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, at Chito Miranda.

Dahil sa kanilang naging performance, sila ang pinili ng kanilang coach na si Stell upang magpatuloy sa susunod na round ng kompetisyon - ang Semi Finals.

Bago pa sila sumali sa The Voice Generations, dati nang magkakasama bilang isang grupo ng mga mangaawit ang Fortenors na sina Jenmai De Asis, Johann Enriquez, Richard Supat, at Christian Nagano, habang bago naman nilang miyembor si Dave Gasataya.

First row Dave Gasataya Johann Enriquez Second row Richard Supat Jenmai De Asis Christian Nagano

First row: Dave Gasataya, Johann Enriquez / Second row: Richard Supat, Jenmai De Asis, Christian Nagano

“The group actually started back in 2012. We were formerly part of one big tenor group and kami 'yung remnants of that big tenor group,” kuwento ni Johann sa isang interview.

Ayon kay Johann, si Jenmai ang naging susi upang mabuo ang kanilang grupo.

Aniya, “It all began kay Jenmai kasi itong si Jenmai who really connects us all kasi siya 'yung may common friends sa aming lahat.”

Bukod sa pagiging singers, may kanya-kanyang propesyon din ang grupong Fortenors.

Si Johann ay isang sound engineer, at nagtatrabaho rin bailang host at theater actor. Habang si Jenmai naman ay isang account executive sa isang video communications company.

Ang kanila pang kamiyembro na si Richard ay isa namang operations manager sa isang mall. Si Christian o Titan ay may-ari naman ng isang mushroom farm sa Nueva Ecija. Si Dave na pinakabata sa grupo ay isang music student sa University of the Philippines.

Ayon kay Christian, bagamat may iba't iba silang pinagkakaabalahan ay hindi nila nalilimutan ang pag-awit.

Aniya, “Although may iba-iba na kaming trabaho ngayon, hindi namin iniiwan ang pagkanta, dahil gusto naming i-share sa mundo ang passion namin which is singing and na-e-enjoy naming magkakasama kaming kumakanta.”

Sa isang panayam, sinabi ng kanilang coach na si Stell na nakita niya ang improvement ng Fortenors simula sa kanilang pinakaunang performance.

“Laging maganda 'yung performance nila. Everytime na nakikita ko sila lagi silang consistent na magaling mag-perform. Nag-e-explore na sila ngayon, dati kasi sanay sila sa kung ano lang 'yung kaya nila, but now nakikita ko 'yung improvement and growth,” ani Stell.

Tumutok sa mas tumitinding labanan ng talents sa The Voice Generations tuwing Linggo, 7:20 p.m. bago ang KMJS. Maaari ring panoorin ang delayed teleacast 10:45 p.m. sa GTV.

Para sa mga Pinoy abroad, maaari ring mapanood ang The Voice Generations sa GMA Pinoy TV.

Para sa iba pang updates, magtungo sa www.GMANetwork.com.