
Isa sa mga love team sa Star Magic ang bagong mga bisita sa Big Brother house.
Sila ang FranSeth, ang tambalan nina Francine Diaz at Seth Fedelin.
Sa recent episodes ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ipinakilala sila ni Kuya bilang kanyang houseguests.
Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Nasaksihan sa telebisyon at online ang panggugulat na ginawa nila sa mga Kabataang Pinoy housemates.
Ilan sa talaga namang matagumpay nilang nagulat ay ang fellow Star Magic artists nila na sina Krystal Mejes at Joaquin Arce.
Bukod sa kanila, nabiktima rin ng panggugulat ng FranSeth ang Sparkle star na si Caprice Cayetano.
Habang kunwaring ini-interview at kinukumusta ang housemates, isang tao ang bigla na lang lumalabas sa malaking box na nakapuwesto sa gilid ng kanilang inuupuan.
Matatandaang si Seth ay naging parte ng Pinoy Big Brother: Otso noong 2018 at napanood siya rito bilang isang housemate.
Sino kaya ang susunod na bibisita sa iconic house ni Kuya?
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.
Samantala, bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?
Sagutan ang polls sa ibaba:
POLL: Who's your Female Big Winner in 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'?
POLL: Who's your Male Big Winner in 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'?