What's Hot

Francine Garcia at Trixie Maristela, magkakaharap sa 'Miss International Queen' sa Pattaya, Thailand

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi (December 20, 2025) | GMA Integrated News
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News



Maraming paghahanda ang ginagawa ng dalawa upang masungkit ang korona.
By FELIX ILAYA
 
Dahil sa mga swimsuit-ready bodies, nag-gagandahang gowns, at very witty answers, hindi katakataka kung bakit maraming pageants na napapalanunan ang mga 'Super Sireyna' winners na sina Francine Garcia and Trixie Maristela.
 
Kakahirang lang kay Trixie bilang 'Ms. Gay Manila 2015' habang 1st runner up naman si Francine.
 
 

Merci beaucoup Manila #MGM2015

A photo posted by Trixie Maristela (@trixiemaristela) on


Ayon sa ulat ni Cata Tibayan, sa November, muling maghaharap ang dalawa sa Miss International Queen 2015 na gaganapin sa Pattaya City, Thailand.
 
Matatandaan na nagwagi si Kevin Balot sa patimpalak na ito noong taong 2012.
 
Ayon kay Francine "I always see to it that I compete with myself so that I could give better. Good luck sa atin and may the best girl win."
 
Maraming paghahanda ang ginagawa ng dalawa upang masungkit ang korona.
 
Nagbigay si Trixie ng ilan sa kaniyang preparations "Siyempre nagdi-diet, inom ng pills, gym, exercise, yon!"
 
"One meal a day, one full tank meal," ayan naman ang pabirong payo ni Francine.
 
Nais isulong ng dalawa ang kani-kanilang advocacies, halimbawa na lang ang libro ni Trixie na "He's Dating a Transgender" kung saan binabahagi ng boyfriend niya na si Art Sta. Ana ang mga struggles na kinaharap nila bilang couple.
 
 

Hi Friends! Art and I are thrilled to announce that "He's dating the Transgender" is now a book and will be available at all National Book Stores this September! In the hopes of advancing gender recognition and equality, we made this book to share my lived experience as a transwoman and our love story with its struggles and victory! #artrixie #hesdatingthetransgender #lovehasnogender Please like and share the book's FB like page for more info. https://www.facebook.com/hdttbook

A photo posted by Trixie Maristela (@trixiemaristela) on


Gusto naman ni Francine na ma-inspire ang mga kabataan na kagaya niya.
 
Aniya "Magbigay ng inspiration sa trans-youth, na you should never stop dreaming and achieving your dreams."