GMA Logo Francine Prieto Almirah Muhlach on Ilaban Natin Yan
What's Hot

Francine Prieto at Almira Muhlach, mag-aaway dahil sa sampayan sa 'Ilaban Natin 'Yan'!

By Racquel Quieta
Published February 27, 2020 5:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm To Table: April 5, 2026 LIVESTREAM
On Easter, Pope Leo urges world leaders to end wars, renounce conquest
Creating with the boundless soul of an artist

Article Inside Page


Showbiz News

Francine Prieto Almirah Muhlach on Ilaban Natin Yan


Alamin kung may naging frenemy na ba in real life sina Francine Prieto at Almira Muhlach. Basahin DITO:

Isa na namang kaabang-abang na kuwento ang tampok sa Ilaban Natin 'Yan ngayong Sabado, February 29.

Ano'ng problema ang tututukan? Matalik na magkaibigan na nag-away nang dahil sa sampayan!

Ito'y isasadula, pag-uusapan, at sosolusyonan ng Ate ng Bayan na si Vicky Morales, kasama ang Kalkalera of the Week at mga eksperto.

Gaganap na magkaibigan sa reenactment ang mga aktres na sina Francine Prieto at Almira Muhlach.

Ayon kay Francine, may limitasyon dapat ang pagpapatawad sa isang kaibigan na nakagawa ng mali sa 'yo.

“Bilang isang tao, kailangang alam natin ang ating boundaries.

"Hindi porke't kaibigan mo, pagbibigyan mo na sa lahat ng bagay, dahil kapag sumobra na sila sa ginawa nating boundaries, tayo ang maaapektuhan, hindi naman ito makakabuti sa atin.

"At dahil sa ginawa nating boundaries, alam natin kung okay lang bang palampasin o patawarin kapag may nagawa sa atin ang ating kaibigan.

"Kung hindi ito okay sa atin, ayos lang na putulin na natin ang ating relasyon lalo na kung sobrang toxic na nila.”

Si Almira naman ay nakaranas na raw na may makaalitang kaibigan.

Kuwento niya, “Meron po ako dating friend na nagka-personal problem kami and hindi na naibalik yung friendship, 'cause I think both of us ay hindi gumawa ng way to talk and fix things.

"From then on, hindi na talaga kami nagkaayos.”

Ibinahagi rin ni Almira ang importanteng aral na natutunan niya mula sa karanasan niyang iyon.

“From that experience I learned na important yung open ang communication, and to talk about the issue and problem. Save the friendship if it's worth saving.”

Samantala, sa tanong kung mayroon ba siyang hindi mapapatawad, ang tugon ni Almira ay,” For me, the worst is yung magkaagawan ng partners.”

Kung may matalik kang kaibigan na naging matindi mong kaaway, o kung minsan 'di kayo nagkakasundo ng best friend mo, dapat panoorin mo ang episode ng Ilaban Natin 'Yan ngayong Sabado, alas-kuwatro ng hapon sa GMA-7.