GMA Logo Francine Prieto and Diana Zubiri
PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page) and dianazubirismith (IG)
What's on TV

Francine Prieto recalls fight scene with Diana Zubiri in 'Etheria'

By Dianne Mariano
Published June 13, 2022 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

14k civilians pass PNP entrance exams, 2,9k cops qualify for promotion
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Francine Prieto and Diana Zubiri


Ano kaya ang nangyari sa fight scene nina Francine Prieto at Diana Zubiri sa 'Etheria?'

Binalikan ng aktres na si Francine Prieto ang kanyang fight scene kasama si Diana Zubiri sa Kapuso telefantasyang Etheria, kung saan may nangyaring isang aksidente.

Ito ay ibinahagi ng aktres sa “Nakakalokang Celebrity Encounter” segment ng Mars Pa More kamakailan.

PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)

Kuwento ni Francine, “Ako si Reyna Avria [at] siya si Reyna Danaya. Ito na 'yung tapatan ng Herans and ng Sang'gres tapos siyempre, 'di ba may weapons kami. So, sa akin actually 'yung sword ko para siyang samurai, sobrang haba na lahat ng tao kinakatakutan 'yun kasi ang laki kong tao tapos ang haba ng sword ko.”

Ayon sa aktres, gawa raw sa kahoy ang kanyang props na espada kaya masakit ito kapag mayroong natamaan.

Ikinuwento naman ni Francine ang nangyari sa fight scene nila ni Diana, “Tapos siyempre kami 'yung last dahil kami 'yung reyna, sabi niya, 'Avria, reyna laban sa reyna.' Siyempre Danaya siya, ang tapang. E natamaan ko siya ng sword ko. Noong nag-start 'yung fight scene namin natamaan ko, umiiyak siyang gano'n."

Patuloy niya, "Sabi ko, 'Sorry, sorry' kasi natamaan ko 'yung daliri niya.”

Panoorin ang buong “Nakakalokang Celebrity Encounters” nina Jason Abalos, Lei Angela, at Francine Prieto sa Mars Pa More video sa ibaba.

Samantala, balikan ang star-studded cast ng Etheria sa gallery na ito.